Maligayang ika-110 Araw ng Lalawigan

Maligayang ika-110 Araw ng Lalawigan
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalusugan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalusugan. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Public-Private partnership palalakasin ang anti-TB campaign sa Rizal

KAPITOLYO NG RIZAL – Nagkaisa sa layunin ang ilang pampubliko at pribadong grupo na magtutulungan kontra sa paglaganap ng sakit na tuberculosis sa lalawigang ito, sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding (MOU) na inilunsad kamakailan.

Ang pamahalaang panlalawigan, mga bayan at lungsod ay sinuportahan ng mga lokal na chapter ng Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) at Philippine Association of Government and Private Midwives (PLGM); Department of Education, Department of the Interior and Local Government (DILG) and iba pang ahensya ng gobyerno; mga pampubliko at pribadong ospital at klinika; medical associations; at non-governmental organizations (NGOs), sa layuning makabuo ng komprehensibo at matatag na polisiya para sa pagkontrol laban sa tuberculosis sa lalawigan ng Rizal.

Ang MOU ay marka ng pagsisimula ng pagtutulungan ng pribado at publikong sektor upang siguruhin na ang mamamayan, partikular ang mga lubos na nangangailangan – kabataan, katutubo, mga nasa kulungan, at nasa malalayong lugar – ay makakatanggap ng karampatan at agarang lunas para sa TB.

Maliban sa pamahalaang panlalawigan ng Rizal, ang pondo ay magmumula sa Global Fund sa pamamagitan ng Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT) na magmomonitor, magsusulong at magpapatupad sa pagsisimula ng mga proyekto.

“Lalo naming pinalakas ang anti-TB program sa pamamagitan ng partnership na ito at umaasa kami na tuluyan nang masusugpo ang pagkalat ng sakit na TB sa aming mga mamamayan,” pahayag ni Gob. Jun Ynares.

Matatandaang ang lalawigan ng Rizal ay tumanggap ng pagkilala mula sa Center for Health Development, Department of Health sa pagkakaroon ng pinakamataas na detection at cure rate ng tuberculosis sa buong Calabarzon region.

Martes, Nobyembre 1, 2011

Rizal gov’t forms Blood Council

PROVINCIAL Capitol, Antipolo, Rizal – In order to actively participate in the voluntary and non-profit collection of blood and effectively implement the local voluntary blood services program pursuant to the provisions of R.A. 7719, otherwise known as the “National Blood Service Act,” the provincial government of Rizal convened recently all stakeholders in the public and private sectors to organize the Rizal Provincial Blood Council.

Elected as co-chair of Rizal Gov. Jun Ynares was the local chapter of the Philippine Red Cross (PRC), assisted by the Provincial Health Office (PHO) as vice-chair. Other institutions and agencies chosen to comprise the Executive Board of the local blood council were the University of Rizal System (URS) as Treasurer, local chapter of PAMET as Auditor and Department of Education (DepEd)-Rizal Division as P.R.O. Meanwhile, the Executive Board appointed PRC- Rizal Chapter assistant administrator Butch Sison as its Secretary.

In the same board meeting, the Provincial Information Office (PIO) was tasked to head the committee on public education, the local Tau Gamma Phi and Angono Lifesavers in the committee on donor and recruitment as co-chairs, while the local Alpha Phi Omega (APO) chaired the committee on ways and means.

Sangguniang Panlalawigan of Rizal board member Genato Bernardo who chairs the committee on health and social services reported that the Sangguniang Panlalawigan supports the creation of the Provincial Blood Council and they are now studying the feasibility of establishing a blood bank in the province.

Resource persons from the Center for Health Development (CHD) of the Department of Health (DOH)- Calabarzon region guided the stakeholders in the organization of the Blood Council and gave orientation on maternal neonatal child health and nutrition, including the national voluntary blood services program and blood collection report of the province for the period 2009-2010.

It would be recalled that the provincial government of Rizal, spearheaded by Gov. Jun Ynares who is a doctor by profession, has received several recognitions for its blood donation and services program. In addition, this move will give access to more readily-available blood to RizaleƱos who will be in need of supply in emergency medical cases.

Huwebes, Oktubre 20, 2011

SAGIP-BUHAY


Rizal Gov. Jun Ynares III (second from left) together with (left to right) Cong. Joel Duavit and Former Gov. Nini Ynares, talk to the Philippine Red Cross volunteers during the bloodletting held at San Juan Gym, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal. The bloodletting activity was in response to the alarming rise of dengue cases in the province. Gifts and grocery packs were given to those who donated blood in the affair.  (Rizal – PIO)

Martes, Setyembre 27, 2011

BLOOD DONORS

Rizal Gov. Jun Ynares (center) and Congressman Joel Duavit both volunteered as a Philippine Red Cross staff prepares the governor and the congressman for blood letting during the medical-dental mission held at the Ynares Plaza in Binangonan town as part of the move to increase the inventory of blood needed in the fight against the dengue virus in the province. (Rizal PIO) 

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Pamahalaan ng Rizal, muling magsasagawa ng Sagip-Buhay

SAN JUAN Gym, Taytay, Rizal – Bilang tugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) para sa mas maraming donasyon ng dugo, ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Rizal Gob. Jun Ynares ay muling magsasagawa ng isang bloodletting na tinaguriang “Sagip-Buhay” sa Setyembre 24 ng taong kasalukuyan, upang makakolekta ng donasyong dugo para sa mga nangangailangang biktima ng dengue sa lalawigan  at sa Kamaynilaan. Muli, katuwang ng pamahalaang panlalawigan ang mga medical staff at volunteers at Philippine Red Cross – Rizal Chapter.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagsagawa na rin ng Sagip-Buhay sa Binangonan plaza kung saan  naubusan ang Red Cross ng blood bags dahil sa dami ng mga nagmamalasakit na RizaleƱo na nag-donate ng dugo.

Kasabay ng bloodletting activity na ito ay ang medical-dental mission, reflexology services, at bakuna laban sa rabies sa mga aso na gaganapin naman sa patio ng simbahang katoliko na kalapit lamang ng San Juan gym. 

Samantala, sa Event Center ng SM City Taytay magaganap naman ang Mobile Passport Service na handog ng Department of Foreign Affairs at ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal. Nakipag-ugnayan na ang lalawigan sa lahat ng mga barangay sa bayang ito upang maipabatid ang gawaing ito na bahagi ng serbisyo-publiko ng pamahalaang panlalawigan.

Ang lahat ng mga naturang gawain ay bahagi ng pinaigting na serbisyo-publiko ng pamahalaang panlalawigan at bilang makabuluhang paraan ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Gob. Rebecca “Nini” A. Ynares, butihing ina ng kasalukuyang punong lalawigan Gob. Jun Ynares.

Lunes, Setyembre 5, 2011

NEW SATELLITE PHARMACY

Rizal Gov. Jun Ynares III (left) together with Ms. Mons Romulo of Pasig City and Dr. Relito Saquilayan, Director, Rizal Medical Center (RMC) inspect the medicines during the inauguration of the new satellite pharmacy located within RMC compound. (Rizal – PIO)

NEW DIALYSIS MACHINE

Rizal Gov. Jun Ynares III (second from right) is joined by (right to left) Dr. Relito Saquilayan, chief of the Rizal Medical Center and Ms. Mons Romulo of Pasig City in visiting a patient about to use the new dialysis machine provided by the Rizal provincial government housed at the newly-renovated wing of the medical center. (Rizal – PIO)

Huwebes, Agosto 25, 2011

Pamahalaan ng Rizal, Nagsagawa ng Sagip-Buhay

YNARES PLAZA,  Binangonan, Rizal – Bilang agarang tugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) para sa mas maraming donasyon ng dugo, ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Rizal Gob. Jun Ynares ay nagsagawa kamakailan ng isang medical-dental mission na tinawag na “Sagip-Buhay” upang makakolekta ng donasyong dugo para sa mga nangangailangang biktima ng dengue sa lalawigan.

Ang isa sa pinakatampok na mga gawain sa mga serbisyong panlipunan at pang-medikal, kasama ang libreng salamin sa mata, anti-rabies vaccination para sa mga alagang hayop at reflexology, ay ang donasyon at pamamahagi  ng may 60 wheelchairs para sa mga mahihirap na taong may kapansanan mula sa Taiwan Association (Phil.) Inc. na kinabibilangan ng mga opisyal ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) sa pamumuno ni ambassador Donald Lee, TAI president Wayne Chi at TAI secretary general Randy Chen.

Samantala, sa isang ulat mula sa Center for Health and Development (CHD) Region IV-A, may 1,777 kaso ng dengue ang naitala na sa lalawigan ng Rizal mula Enero hanggang unang linggo ng Agosto ng taong kasalukuyan. Sa mga kasong ito, ang Antipolo ay may 477 kaso ng dengue, habang ang bayan ng Cainta ay may 286 na kaso, at ang Binangonan at Montalban ay may parehong tig-225 na kaso.

May kabuuang  siyam ang namatay dahil sa dengue sa lalawigan kung saan ang Antipolo ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng namatay na apat na katao.

Ayon kay Gob. Ynares, ipinag-utos na niya sa Provincial Health Office ang agarang pagsasagawa ng mga hakbangin upang maiwasan at ma-kontrol ang epekto ng dengue virus, partikular sa mga barangay na may mataas na naiulat na kaso ng dengue.

“Nais naming ipabatid sa aming mga kalalawigan na ang inyong pamahalaan ay hindi tumitigil sa paglaban sa dengue virus. Pinag-ibayo na natin ang pagpapakalat ng mga tamang impormasyon sa pamamagitan ng ating mga opisyal ng barangay, na sa tingin namin ay pangunahing paraan upang mapagtagumpayan natin ang ating laban sa dengue virus,” pahayag ni Gob. Ynares.

Nanawagan din si Gob. Ynares sa publiko na laging gawin ang DOH’s 4S Strategy laban sa salot na dengue: search and destroy; self protection measures; seek early consultation; and say no to indiscriminate fogging, na ayon sa punong lalawigan ay mga epektibong paraan upang masugpo ang pagkalat ng sakit na ito.

Huwebes, Hulyo 21, 2011

Rizal Elders Get Free Anti-Flu Vaccine

RIZAL PROVINCIAL CAPITOL, Antipolo, Rizal – More than 3,000 senior citizens from all the 14 municipalities and city of the province were vaccinated with anti-pneumonia vaccine in medical missions conducted recently by the Rizal provincial government, with the assistance of United Laboratories (UniLab) and the United Bayanihan Foundation (UBF).



In a report to Rizal Gov. Jun Ynares, provincial social welfare and development office (PSWDO) said that some 3,025 elders were given free anti-flu vaccine, while about 1,059 underwent medical consultations and given free medicines in missions conducted in different municipalities/city province-wide.



The elders are usually prone to respiratory infections because they are more susceptible to illnesses.



The activity by the UBF was in support of the enhanced social and health services program of Rizal Gov. Jun Ynares who, incidentally, is a doctor by profession and earned himself the title of health reform champion in the southern Tagalog region, given by the Department of Health (DOH).



“We are grateful to the men and women of UniLab and UBF for their support to the medical needs of our elders. We are very fortunate for having active partners with great sense of social responsibility like you,” Gov. Ynares said.



In a related development, the UBF is set to conduct a Summit for Senior Citizens of Rizal this coming July 20 at the Meralco Management and Leadership Development Center (MMLDC) in partnership with the provincial government of Rizal, Office of Senior Citizens Affair (OSCA), Rizal Federation of Senior Citizens Associations (RIFOSCA) and other non-governmental organizations (NGOs).

Linggo, Hulyo 10, 2011

Hospital Inaugration

Hospital Inaugration – Rizal Governor Jun Ynares and Cong. Joel Duavit (middle) supervise the ribbon cutting of the newly renovated Rizal Provincial hospital System – Angono Branch. Witnessing the event are(left to right - BM Bobby Tolentino, BM Ato Bernardo , BM Arling Villamayor, Vice-Gov. Popoy San Juan, Dr. Iluminado Victoria - Provincial Health Office Head and Mr. Alfred Li, CEO of Tzu Chi Foundation.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

Bantayan ang Kalusugan, Baha ay Iwasan


Leptospirosis ay isang impeksyon na dulot ng bacteria na siya namang taglay ng mga hayop (kung ang dengue na virus ay taglay ng lamok, ang leptospirosis naman ay bacteria na taglay ng hayop). Sa Pilipinas, mga daga ang karaniwang may dala ng sakit na ito. Dahil napakaraming daga kahit saan, lalong lalo na sa mga syudad, tuwing bumabaha ay maaaring sumama rin sa tubig baha ang bacteria na galing sa daga. Ito rin ang dahilan kaya hindi kagulat-gulat na ang tag-ulan ay siya ring panahon na tag-leptospirosis.
Nung taon 2009, pagkaraan ng bagyong si Ondoy ay napakaraming tao sa Maynila at iba pang lugar na nagkaron ng leptospirosis.
Ano ang mga sintomas ng leptospirosis? Gaya ng dengue, maaaring makaramdam ng lagnat, panginginig, sakit sa katawan at mga kasukasuan, at sakit ng ulo. Maaari ring maapektuhan ang atay (liver) na siyang nagdudulot ng paninilaw sa katawan, maging ang bato (kidneys) na siya namang nagdudulot ng ihi na kulay tsaa. Maaari ring maranasan ang sakit sa tiyan, pagsusuka, at pagtatae.
May mga iba't ibang laboratory test para malaman kung mayroon kang leptospirosis. Isa ang leptospirosis sa konsiderasyon kapag ang mga sintomas na nabanggit natin ay nakita - lalong lalo na kung ang pasyente ay nakapaglakad sa tubig-baha.
Mga antibiotics ang gamot sa leptospirosis, ngunit dapat doktor ang siyang magrereseta nito. Hindi pwedeng bumili lamang ng gamot sa sari-sari store o botika; kinakailangang pag-isipan ng doktor kung gaanong karami at gaanong kadalas iinumin ang gamot. Kung kulangin, baka mabulabog lamang ang mga mikrobio at hindi tuluyang masupil. Kung magkaganito, maaaring silang makabawi at hindi na talaban pa ng gamot.
Higit na mabuti sa lunas ang pag-iwas. Para makaiwas sa leptospirosis, iwasan ang paglalakad sa tubig baha tuwing umuulan, lalong lalo na kung may mga sugat ka sa paanan na siyang maaring gawing tulay ng mga bacteria para makapasok. Maari ding magsuot ng mga bota o boots kapag hindi maiiwasang lumusong sa tubig-baha. Huwag maligo sa maruruming tubig, at gawan ng paraan na masupil ang pagpunta ng mga daga at iba pang hayop sa inyong tahanan.