YNARES CENTER Complex, Antipolo, Rizal – Muling bubuksan sa publiko ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ang Ynares Tiangge sa malawak na complex ngayong Setyembre 23, kasabay ang selebrasyon ng Family Day ng mga opisyal at empleyado ng Kapitolyo na naglalayong mapagbuklod ang mga ito para sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo-publiko.
Ikalabing-isang taon nang ginagawa ang tianggeng ito na sinimulan noong 1999 ng dating gobernador na si Gob. Ito Ynares, ama ng kasalukuyang gobernador na si Gob. Jun Ynares.
Iba’t ibang kalakal at paninda ang nakapaloob sa mahigit na 300 stalls, kasama na rin ang ibat-ibang rides na mistulang karnabal.
Ang Ynares Tiangge ay isang taunang proyektong pangkabuhayan na inaasahang makakapagbigay hanapbuhay sa mga Rizaleño at maliliit na mga negosyante mula sa iba’t ibang lugar ng lalawigan. Ang proyekto ring ito ay inaasahang makapagpapasigla ng turismo sa lalawigan at makapagpapalakas sa ekonomiya nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento